Injured | Killed |
---|---|
3 | 1 |
Date: 21 October 2013
Source: Bombo Radyo
DAGUPAN CITY – Sibak sa pwesto si P/Supt. Noel Vallo bilang hepe ng Calasiao PNP sa lalawigan ng Pangasinan, matapos ang sunod-sunod na insidente ng pamamaril na naitala sa nasasakupan noong nakaraang linggo.
Pormal namang umupo bilang officer-in-charge ng Calasiao PNP si C/Insp Noel Espinoza na dating nakatalaga sa provincial operations ng Pangasinan Police Provincial Office.
Bagamat hindi pa malinaw ngayon ang dahilan sa pagka-relieve ni Vallo sa pwesto, naitala naman ang sunod-sunod na shooting incidents na naitala sa Calasiao noong nakaraang linggo, pinakahuli ang barilan ng dalawang grupo kung saan isa ang patay at tatlo ang sugatan kabilang ang isang Grade 1 pupil na tinamaan ng ligaw na bala.