Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 14 April 2013
Source: Phil Star Pang Masa
MANILA, Philippines – Isang 30-taong gulang na helper ang nasawi makaraang barilin ng sumpak ng kanyang kapitbahay sa Parola Compound, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Daniel Hilario, residente ng Gate 1, Area A, Parola Compound, Tondo, Maynila na nagtamo ng tama ng bala ng sumpak sa ibabang bahagi ng dibdib.
Pinaghahanap na ang tumakas na suspek na kinilalang si Mar Hernandez, kapitbahay ng bikima.
Sa ulat ni PO3 Christian Caparas ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:17 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng tahanan ng biktima.
Bago ang insidente ay nagkainuman pa ang biktima at suspek kasama ang iba pang kabarkada at magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa pero naawat naman kaagad.
Kinaumagahan, nasorpresa na lamang ang biktima nang biglang lapitan ng suspek na armado ng sumpak at walang sabi-sabing binaril ang biktima.
Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay.