Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 04 June 2010
Source: http://www.abante.com.ph/issue/june0410/crimes05.htm
Hardware owner binaril ng 3-ulit
(Armida Rico)
Patay ang isang negosyanteng nagmamay-ari ng hardware nang tatlong beses barilin ng isa sa tatlong kilabot na holdaper matapos tumangging ibigay ang kinita sa maghapon sa Las Piñas City kamakalawa.
Isinugod pa sa Perpetual Help Hospital si Danilo Conde, 41, may-ari ng Jun-Len Trading & Construction Supply sa #293 Real St., Alabang-Zapote Road, Bgy. Talon 4 sa naturang lungsod subalit nasawi rin makaraan ang 5-oras sa naturang pagamutan.
Sa imbestigasyon nina PO3 Leopoldo Diaz at PO3 Richard Credo, ng Investigation & Detective Management Section ng Las Piñas City Police, pinasok ng tatlong armadong holdaper ang naturang establisimyento dakong alas-4:00 ng hapon at tinutukan ng baril ang biktima pati na ang helper na sina Rian Rivera, 16 at Juan Conde, 17.
Pilit na pinabubuksan ng mga suspek sa may-ari ang kaha de yerong naglalaman ng napagbentahan ng hardware subalit tumanggi ang biktima kaya inutusan ng lider ng grupo ang isa na barilin si Conde.
Nang humandusay ang biktima ay tumakas na ang mga suspek gamit ang isang motorsiklo.
Pinagtulungan naman ng kanyang mga helper si Conde na maisugod kaagad sa pagamutan subalit nasawi rin dakong alas-9:00 ng gabi.
Sa report, ikatlong beses nang naholdap ang naturang establisimyento sa loob lamang ng 2-buwan.