Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 30 April 2013
Source: Bombo Radyo
ILOILO CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa mga responsable sa panloloob sa gun store na pag-aari ng isang pulis sa Rizal St., Iloilo City.
Kaninang umaga lang nang matuklasan na pinasok pala ng mga magnanakaw ang Iron Sight Guns and Ammo Shop na pag-aari ni SPO1 Pedro Pericon, naka-assign sa headquarters ng Police Regional Office-6 sa Camp Martin Delgado.
Sa kuha sa CCTV camera ng katabing establisyemento, nakita ang isang suspek na dumaan sa pinagkabitan ng air condition.
Maliban sa P1,000 wala ng natangay pa ang suspek matapos hindi nito nabuksan ang vault kung saan nakalagay ang pera at mga ibinebentang baril.