Grupo ng reelectionist mayor hinarang ng kaaway na vice mayor sa San Dionisio, Iloilo

Injured Killed
0 0

Date: 08 May 2013
Source: Bombo Radyo

ILOILO CITY – Muling nagkatensyon ang bayan ng San Dionisio, Iloilo matapos harangin ng grupo ng incumbent vice mayor na si Peter Paul Lopez ang grupo ng incumbent mayor at reelectionist na si Larry Villanueva kasama ang kanyang ama na dating mayor at tumatakbong vice mayor ngayon na si Pio Villanueva.
 
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ng nakakatandang Villanueva na mismong ang bise alkalde ang nanguna sa mga sasakyan at armadong grupo na humarang sa kanila.
 
Nakasuot pa umano ng bullet proof vest ang bise alkalde.
 
Nagpasaklolo naman ang grupo ng alkalde sa San Dionisio Municipal Police Station ngunit maging ang mga pulis ay ayaw sundin ng humaharang na grupo ng vice mayor.
 
Kalaunan, napasunod din ang mga ito sa utos ng Provincial Public Safety Company kung saan hinatak umano ang mga sasakyan na humaharang.
 
Nang matanong naman kung bakit hindi sinunod nang pinaaalis sila ng mga pulis, idinahilan daw ng mga ito na hindi pa nagbibigay ng go signal ang kanilang kaalyado na si Iloilo 5th district Incumbent Rep. Niel Tupas. 
 
Ang bise alkalde ay nasa ilalim ng Liberal Party (LP) habang nasa linyada naman ng United Nationalist Alliance (UNA) ang kampo ng mayor.