Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 28 January 2013
Source: Bombo radyo, Monday, 28 January 2013 08:42
CAGAYAN DE ORO CITY – Isang granada ang pinasabog sa hindi pa matukoy na mga suspek sa pamamahay ng Muslim-Maranao sa Balongis, Brgy Balulang sa syudad ng Cagayan de Oro.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro kay acting city police director S/Supt Graciano Mejares, kinilala nito ang may-ari ng bahay na si Nestor Nashrudin Maruhom na isa umanong market vendor sa lungsod.
Ayon kay Mejares, isang M26 grenade ang pinasabog ng hindi nakilalang mga suspek sa tapat ng bahay ng pamilyang Maruhom.
Bagamat wala namang naiulat na taong sugatan matapos ang nasabing pangyayari.
Sa salaysay din na inilahad ni Maruhom kay Mejares, inihayag nito na malayo umano ang motibo na rido ang dahilan sa pagsabog ng granada sa kanilang bahay.
Inihayag pa ni Maruhom, wala siyang maisip na mayroong mga taong nakaalitan na maaaring nagsagawa ng paghihiganti laban kanyang pamilya.
Kaugnay nito, magsasagawa pa rin ang pulisya ng imbestigasyon upang malaman ang motibo sa nasabing pagsabog.
Sa latest na imbestigasyon, mas lalo umanong lumakas ang motibo na rido ang dahilan at bangayan sa illegal drugs sa nasabing pangyayari.
Napag-alaman na ang Brgy Balulang ay isa sa 80 barangay sa syudad na mayroong maraming Muslim-Maranao na residente.