Grade 1 pupil na nawala sa CamSur, patay na nang matagpuan

Injured Killed
0 1

Date: 27 September 2013
Source: Bombo Radyo

NAGA CITY – Hinihintay na lang ngayon ng otoridad ang otopsiya sa bangkay ng anim na taong gulang na batang babae na natagpuan na lamang na wala ng buhay sa Bato, Camarines Sur.
 
Kinilala ito na si Kinjen Elvie Tagumatan, Grade 1 pupil na residente ng Zone 4 Barangay Lubigan.
 
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SPO1 Rogelio Tuyay, isinalaysay nito na nasa stage of decomposition na nang matagpuan ang bangkay ng bata sa madamong bahagi, 50 meters ang layo mula sa kanilang bahay.
 
Napag-alaman na Setyembre 21 pa nawala ang bata matapos na hindi na makabalik sa kanilang bahay mula sa paglalaro.
 
Huling nakita ang biktima alas-5:00 ng hapon sa may tapat ng barangay hall habang naglalaro.
 
Ngunit nito lamang araw ng Huwebes nang makita ng isang barangay tanod ang bangkay ng bata na hindi naman nakitaan ng sugat sa katawan.
 
Sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang pangyayari at tinitingnan ang lahat ng anggulong posibleng naging sanhi ng pagkamatay nito.