Gov’t employee tinodas, 2 pa grabe

Injured Killed
2 1

Date: 21 July 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin at pagtatagain ng tatlong kalalakihang nakaaway ng mga ito sa Bago City, Negros Occidental kamakalawa.

 Dead-on-arrival sanhi ng tinamong mga taga at tama ng bala sa katawan ang biktimang kinilalang si Arnel Rubaton, empleyado ng Bago City hall.

 Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pa­gamutan ang mga sugatang biktima na nakilalang sina Wilfredo at Romie Rubaton; pawang magkamag-anak at  ang mga biktima ay pawang residente ng Brgy. Mailum sa lungsod na ito. 

Sa ulat, sinabi ni Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., naitala ang insidente matapos na magkrus ang landas ng mga biktima at ng mga suspek sa bisinidad ng Brgy. Mailum, Bago City dakong alas-7 ng gabi. 

Ayon sa imbestigasyon, nakasalubong ng mga biktima ang mga suspek na pawang magkakamag-anak din na kinilalang sina Vincent, Richard at Joseph; pawang Bayog ang apelyido at mga residente rin sa lugar. 

Bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspek ang mga biktima na nagkataong walang dalang anumang sandatang panlaban sa kanilang mga kaaway ng masabat saka pinagtataga. Naaresto naman ang mga suspek ng nagrespondeng mga pulis.