Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 03 October 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Nawalan ng pera ang isang ginang matapos na mabiktima ng budul-budol sa Candelaria, Quezon.
Ito’y matapos na matangay sa kanya ang P10,000 halaga ng pera kasama pa ang ATM na naglalaman ng P3,000 na balanse.
Ang biktima ay kinilalang si Marissa Solomon Harden, 25, residente ng Brgy Kinatihan 2.
Batay sa impormasyon mula sa Quezon Police Provincial Office, naglalakad ang biktima sa Rizal Avenue Barangay Poblacion ng isang babae na nakasuot ng itim na t-shirt, nakaitim din na patalon at nakapusod ang lumapit sa kanya.
Humingi ito sa kanya ng tulong at humingi ng pabor sa paghahanap ng truck na pwede niyang maupahan.
Habang nag-uusap ang biktima at suspek, isa namang lalaki ang nakasuot ng checkered polo, dark white shorts na maikli ang buhok ang boluntaryong nagturo at nagsabing mayroon siyang kilalang nagpapaupa ng truck.
Ang dalawang suspek na hindi pa nakikilala ay nag-iwan ng pouch bag sa biktima kapalit ng pera nito bilang collateral na patunay daw na sila’y babalik.
Ngunit makalipas ang mahigit isang oras ng hindi na bumabalik ang mga ito ay nagdesisyon na ang biktima na buksan ang bag.
Nabigla na lamang ito nang makita na ang laman pala ng nasabing bag ay mga tinuping papel.
Labis na lamang ang pagkadismaya ng biktima matapos na makuha sa kanya ang P10,000 at ATM card.
Sa ngayon, inaalam na ng otoridad ang posibleng pagkakakilanlan sa suspek.