Ginang binoga dahil sa ilegal na droga

Injured Killed
1 0

Date: 10 July 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ilegal na droga ang tinitingnang motibo sa pamamaril sa  isang ginang na binaril sa loob ng kanyang bahay ng isang hinihinalang drug addict, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kritikal sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang nakilalang si Loida Valloyas, 42,  at naninirahan sa 1st St., Pildera 2, ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng isang tama ng bala sa kanang braso na tumagos sa dibdib. Pinaghananap naman ngayon ang nakatakas na salarin na nakilala sa pangalang Jay-R, sinasabing sugapa sa iligal na droga sa lugar.

Sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang pamamaril dakong alas-9:35 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon, bago naganap ang pamamaril dumating ang suspect sa bahay ng biktima na binigyan nito ng halagang P200 at inutusan na bumili ng shabu.  Bumalik naman si Valloyas dala ang ipinabiling iligal na droga ng suspek.

Mismong sa loob pa ng bahay ng biktima ginamit ng suspek na si Jay-R ang iligal na droga.  Nang makatapos, bigla umano itong umalis at nang bumalik ay armado na ng kalibre .45 baril at walang sabi-sabing binaril ang biktima.

Nagawa namang makatakbo palabas ng kanilang bahay ng biktima at nakasakay ng taxi saka nagpahatid sa pagamutan.  Agad namang iniulat ng taxi driver na si William Rodolfo ang insidente sa pulisya kaya agad na rumesponde sa pagamutan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa panayam kay Valloyas, hindi umano nito alam kung bakit siya biglang binaril ng suspek.  Ngunit hinala ng pulisya, nagalit ang suspek dahil sa inakalang kulang ang drogang binili ni Valloyas sa halagang ibinigay niya.