Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
BACOLOD CITY – Patuloy na ginagamot sa Silay Provincial Hospital sa lalwigan ng Negros Occidental ang 27-anyos na dalaga matapos sinaksak ng kaniyang kasintahan.
Kinilala ang biktima na si Je Ann Bacay, residente ng Brgy. Dian-ay, Escalante City, Negros Occidental na nagtamo ng limang sugat sa tiyan at leeg.
Kinilala naman ang suspek na si Jovil Ughayon, 26, residente ng Brgy. Estefania, Bacolod City na nakakulong na sa police station.
Batay sa imbestigasyon, imang taon na ring magkasintahan ang dalawa ngunit nitong huli lang ay nakipagkalas ang babae.
Hindi naman matanggap ng lalaki ang desisyon ng syota kung kaya nagalit ito at pinuntahan ang biktima sa kanilang bahay at saka sinasak.
Nakaligtas ang biktima dahil mapurol lamang na patalim ang ginamit ng suspek sa pagsaksak sa babae.