Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 22 April 2013
Source: http://www.abante.com.ph/issue/apr2213/vismin02.htm#.UXUu4bVvCC0
ZAMBOANGA CITY — Tinadtad ng bala ng mga ‘di kilalang armado ang isang gasoline trader sa Zamboanga City na kung saan ay talamak ang patayan.
Sa ulat ng pulisya ay nakilala ang biktima na si Samuel Ramones.
Batay sa imbestigasyon, nabatid na kumakain umano si Ramones kasama ang asawa at tatlong anak nang may dumating na dalawang customer sa kanilang tindahan sa Barangay Vitali at nagtanong kung may gasolina pa ito.
Ngunit hindi pa man nakakasagot ang negosyante ay bigla na lamang bumunot ng baril ang isang lalaki at saka pinaputukan ang biktima.
Agad namang tumakas ang dalawang lalaki na sakay ng kanilang ‘di naplakahang motorsiklo at pinaniniwalaang mga hired killer ito.
Walang umako sa krimen at hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa pagpatay.