Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Patuloy pa ring tinutugis ngayon ng kapulisan ang mga suspek na responsable sa panghoholdap kagabi sa isang gasolinan sa may Dablo St., Purok Lawis, Sta. Lucia District, Pagadian City.
Batay sa ulat ng Pagadian City police station, ilang armadong kalalakihan ang bigla na lamang sumulpot sa cashier’s booth ng JCM Petron gasoline at nagdeklara ng holdap.
Nilimas ng mga holdaper ang koleksyon ng gasolinahan na umaabot sa P10, 000 halaga ng pera at kaagad nakalayo sa lugar.
Narekober ng mga rumespondeng pulis ang ilang personal na gamit na naiwan umano ng mga suspek at isang magazine ng caliber .45 pistol na may mga bala.
Sa pagsisiyasat ng mga otoridad, nabatid na walang nakatalagang security guard ang naturang gasolinahan at madilim din ang ilang bahagi ng lugar kaya malayang nagawa ng mga holdaper ang kanilang plano. (MRDS)