Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 11 March 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy pa hanggang ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng nangyaring pagpapasabog sa garahe ng isang negosyante sa bayan ng Guinobatan, Albay.
Una rito, bandang alas-10:00 ng gabi nang marinig ang malakas pagsabog sa garahe malapit sa tahanan ng biktima na si Dellis Nesolania ng Barangay Inascan sa nasabing bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legaspi kay Po3 Culaway, chief investigator ng Guinobatan Municipal Police Station, sinabi nito nawasak ang garahe at truck na nasa lugar.
Maliban dito, wala naman na napaulat na sugatan sa insidente.
Samantala, isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga otoridad base na rin sa panayam ng biktima na dahilan ng pagpapasabog ay posibleng ang kanyang pagtanggi sa isang lalaki na humihingi umano ng manok sa kanya.