Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 27 April 2013
Source: http://www.journal.com.ph/index.php/news/metro/49289-galit-ni-mister-kay-misis-sa-helper-ibinunton
SA halip na ang kanyang misis ang saktan, ibinunton ng isang lalaki ang kanyang galit sa isang helper na kanyang nakita na nakaupo sa tabi ng kalsada, kahapon ng tanghali sa ParolaCompound, Tondo, Maynila.
Parang nauupos na kandila na napaupo ang biktimang si Alex Silva Montesa, 35, tambay ng Gate 16, Area D, Parola Compound, matapos saksakin sa dibdib ng suspek na si Louie Orleo, 31, tambay rin sa nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Rommel del Rosario, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Area D sa Gate 16 sa Parola Compoundsakop ng Tondo, Maynila.
Nabatid sa isang Imelda de Pablo, vendor sa lugar, una umanong nag-away ang suspek at ang asawa nitong si Rosemarie, sa hindi pa malamang kadahilanan.
Habang nagtatatalak ang ginang, naisipan ng suspek na layuan si misis at dito nakita ang biktima, nilapitan ito ni Orleo saka inundayan ng saksak sa gitna ng dibdib.
Mabilis namang tumakas ang suspek dala ang patalim na ginamit sa krimen.
Hinala ng pulisya, sa biktima ibinunton ng suspek ang galit sa kanyang misis nang makita itong nanonood habang tumatalak ito.