Foreman patay sa holdaper

Injured Killed
0 1

Date: 28 May 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napatay ang 41-anyos na foreman matapos na barilin ng isa sa dalawang holdaper nang puma­lag sa panghuholdap sa loob ng pampasaherong jeepney sa kahabaan ng highway ng Rizal Avenue  sa Barangay VII-A, San Pablo City, Laguna kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Nelson Gesmundo, may asawa, ng Brgy. San Gabriel sa nasabing lungsod. Ayon kayP/Supt. Ericson Dilag, hepe ng San Pablo PNP, ang mga suspek ay nagpanggap na pasahero ng jeepney kung saan agad nagdeklara  ng holdap sa loob ng sinasakyan ng biktima  kasama ang gurong si David Paul de Torres, at iba pa. Gayon pa man, nanlaban ang biktima na tumangging ibigay ang kaniyang pitaka kaya binaril ito ng isa sa mga holdaper na si Ronel PeƱana na naaresto naman ng mga awtoridad sa follow-up operation.