Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 25 May 2013
Source: Bombo Radyo
DAGUPAN CITY — Patay ang isang Filipino-Muslim matapos itong pagbabarilin sa lungsod ng Uradaneta.
Kinilala ang biktima na si Jabar Peti-ilan, nasa hustong gulang, isang security guard, tubong Marawi City at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Nancayasan sa nasabing lungsod.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagtatrabaho ang biktima nang bigla itong lapitan ng hindi pa nakikilalang suspek at pagbabarilin ng tatlong beses gamit ang hindi pa nalalaman na kalibre ng baril.
Agad na namatay ang biktima matapos itong magtamo ng tama ng bala sa mukha, katawan, at leeg.
Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa insidente.