Fil-Chi trader tinarakan, patay

Injured Killed
0 1

Date: 30 November 2013
Source: Journal Online

Nakatarak pa ang patalim sa leeg at wala nang buhay nang matagpuan ang isang Filipino-Chinese na negosyanteng babae sa loob ng kanyang tindahan sa Quezon City Miyerkules ng umaga.

Pagnanakaw diumano ang pangunahing motibo sa pagpatay sa biktimang si Rosita Lee, 63, sari-sari store owner, ng 51-G, Sta Veronica St., Villareal, Bgy. Gulod, Novaliches.

Ayon kay SPO1 Jimmy Jimena, imbestigador sa kaso, bukod sa nakatarak na patalim, natatakpan pa ng unan ang ulo ng biktima.

Ang insidente ay natuklasan diumano ni Cipriana Serrano, kapitbahay ng biktima, matapos na puntahan siya nito para alamin ang kanyang kalagayan.

Nabatid kay Jimena na mag-isa lamang umano sa kanyang bahay ang biktima habang tinataguyod ang sarili sa pagbabantay sa kanyang tindahan.

Natuklasan ang bangkay ng biktima sa may kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay nito sa nasa-bing lugar, ganap na alas-6 ng umaga.

Ayon kay Serrano, nagtaka umano siya nang makitang nakabukas ang pintuan kung saan makai-lang ulit siyang kumatok pero walang sumasagot.

Mula dito ay napuna umano ni Serrano na nagkalat ang mga paninda ng biktima, hanggang sa magpasya siyang tingnan ito sa ikalawang palapag ng kanyang kuwarto, kung saan nakita niya ang huli na naka-higa at natatakpan ng unan ang ulo.

Dahil dito, agad na ipinagbigay alam ni Serrano ang insidente sa himpilan ng barangay na siya namang tumawag ng awtoridad para sa pagsisiyasat.