‘Explosives narekober ng militar sa Surigao’

Injured Killed
0 0

Date: 01 June 2013
Source: Bombo Radyo

BUTUAN CITY – Sari-saring pampasabog ang tumambad sa otoridad, matapos ang kanilang operasyon sa Surigao del Sur.

 

Nasa 41 mga 60 millimeter mortar, dalawang rifle grenades, mga bala at dokumento ang narekober ng mga miyembro ng 75th Infantry Battalion na nakabase sa Maharlika, Bislig City sa lalawigan ng Surigao del Sur nitong umaga ng Sabado.

 

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Ma. Leo Bonggosia, spokesperson ng 4th ID Diamond Division Philippine Army, nasa headquarters na ng 75th IB ang mga narekober na explosive devices at inispeksyon na ng mga bomb experts para masiguro kung ito’y maaari pang makapinsala.

Sinasabing nagsagawa ng combat operations ang government forces bilang pagresponde sa natanggap na intelligence report sa Barangay Banawan, munisipyo ng Bunawan, Agusan del Sur, kung saan nagresulta ito sa pagkadiskubre ng mga explosive devices.