Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
KORONADAL CITY – Dead on arrival ng dinala sa South Cotabato Provincial Hospital ang isang dating pulis na nanlaban sa mga otoridad sa isinagawang drug raid kagabi sa Barangay General Paulino Santos ng lungsod ng Koronadal.
Kinilala ni PO1 Jerome Silvederio ng Koronadal City PNP ang namatay na si alyas Arman na pinaniniwalaang dating pulis ng Sto NiƱo PNP.
Ayon kay Silvederio, isang asset ng Koronadal City PNP ang nagbigay ng impormasyon kaugnay sa pagbebenta umano ng shabu ni alyas Arman kaya’t isinagawa ang surveillance sa suspek at matapos makumpirma, isinagawa rin ang nasabing drug raid.
Nang maka-encounter ng mga otoridad, nagtangkang tumakas ang suspek at kasama sakay ng motorsiklo.
At nang masukol ay nanlaban ang isa sa mga ito kaya’t napilitan si Silvederio na barilin na hanggang sa natamaan sa dibdib.
Nakuha rin mula sa suot na pantalon ni “Arman” ang isang sachet ng shabu, habang nakarekober din ang mga otoridad sa apat pa kasama ang apat din na empty shell ng 9mm.
Samantala, patuloy naman na pinaghahanap ang isa pang nakatakas na suspek.