Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
VIGAN CITY – Buluntaryong sumuko na sa mga otoridad ang dating mayor sa bayan ng San Emilio, Ilocos Sur.
Ang hakbang ni dating San Emilio Mayor Lorenzo Bragado Jr., 60, taga-Brgy. Tiagan, San Emilio ay dahil sa standing warrant of arrest sa kasong carnapping na una nang ipinalabas ni Judge Policarpio Martinez, RTC Branch 71, Candon City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Bragado, sinabi nito na niloko umano siya ng kanyang katribu sa Bodong na si Eunice Yadao na bagamat ito ang nakautang siya pa ang nagdemanda.
Ayon pa sa dating mayor, may utang si Yadao sa kanya at ang sasakyan nitong Mitsubitshi kung saan ang napagkasunduang kabayaran.
Kaya naman kinuha umano ng dating mayor ang nasabing sasakyan, ngunit sa kalaunan pinagbintangan na siya na ang carnapper.
Ang dating opisyal ay nakapagbayad na rin ng piyansa na nagkakahalaga ng P180,000.