Ex-captain dedo sa pulitika

Injured Killed
0 1

Date: 22 April 2013
Source: http://www.abante.com.ph/issue/apr2213/crimes01.htm

 

Dead on the spot ang isang dating punong barangay sa lalawigan ng Batangas matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng madaling-araw.

Sa report sa Camp Crame, nangyari ang pamamaslang sa bahagi ng Bgy. Puting Buhanginan sa San Juan, Batangas dakong ala-una ng madaling-araw kahapon.

Kinilala ang biktima na si Melvin Manimtim, da­ting kapitan ng Bgy. Puting Buhanginan, na tinamaan ng bala sa kanyang ulo na sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Sa imbestigasyon ng Philippine National Police, lumalabas na sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima papauwi na mula sa isang campaign sortie sa bahagi ng Rosario, Batangas bilang campaign manager ng tumatakbong si Bernadette Sabili ng 4th District, nang tamba­ngan ng dalawang lalakeng sakay ng isang motosiklo sa nabanggit na lugar.

Sa tindi ng tama ng biktima ay agad itong binawian ng buhay. Pinaniniwalaan namang pulitika ang motibo sa pamamaslang.