Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Dead on the spot ang isang dating Cafgu member makaraang paputukan ng mga nagrespondeng mga pulis matapos na ito ay magwala at mag-amok sa Aroroy, Masbate.
Una rito, walang habas na nagpaputok sa mismong harap ng bahay ng kapitan sa Barangay Barangay Tigbao ang suspek na si Jayson Rovero y Obaya, 24, residente ng Brgy. Sindicate ng nasabing bayan.
Kasunod nito, agad namang rumisponde ang mga otoridad sa pangunguna ng Regional Special Operation Task Group (RSOTG) Masbate para pakalmahin ang nagwawala at lasing na si Rovero.
Subalit, hindi nagpaawat ang suspek at nagawa pang paputukan ang mga otoridad.
Dahil dito nagdesisyon ang tropa ng pamahalaan na patamaan na si Rovero na nagresulta naman sa agaran nitong pagkamatay.
Nakuha sa crime scene ang walong live ammunition mula sa caliber .45 mula sa suspek.