Ex-CAFGU arestado sa panghoholdap sa Naga City

Injured Killed
0 0

Date: 07 February 2013
Source: Feb 7, 2013 bombo radyo

NAGA CITY – Nakikipag-ugnayan na ang Naga City Police Office (NCPO) sa 22nd Infantry Batallion (IB) upang alamin kung konektado pa sa kanila ang lalaking nasa likod ng ilang insidente ng panghoholdap at snatching sa lungsod.

Ito’y kasunod ng pagkakahuli kay Ruben Baldovino ng Barangay Concepcion Pequenia at umano’y dating CAFGU.

Sa panayam kay SPO2 Randy Solano ng NCPO, positibong nakilala ng biktima nitong si Normel Caraan ang suspek nang tutukan siya ng patalim at tangayin pa ang kanyang P9,500.

Dito na nagsumbong ang biktima sa mga pulis hanggang sa magkahabulan pa sa isang subdibisyon.

Nabatid na kasama ni Baldovino sa paggawa ng krimen ang menor de edad na nakasuot ng helmet.

Nakita sa wallet ng suspek ang isang ID na nagsasabing dati siyang CAFGU at dating nakabase sa bayan ng Calabanga.

Mariing pinabulaanan ng suspek na siya ang may kagagawan ng krimen kaya’t wala rin umano siyang maituturong kasamahan na may kagagawan nito.

Positibo namang tinukoy ni Solano na sangkot din ito sa ilang pag-atake ng riding in tandem sa lungsod.

Sa ngayon, sinampahan na ng kaso si Baldovino na nananatili sa kulungan.