Ex-brgy. kapitan patay matapos barilin sa Pangasinan

Injured Killed
0 1

Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo

DAGUPAN CITY – Patay ang isang dating punong barangay sa bayan ng Mabini. Pangasinan matapos itong barilin ng dalawang hindi pa nakilalang kalalakihan.

Kinilala naman ang biktima na si Oligario Bonalos, 66, residente ng Brgy. Cabanaetan sa nabanggit na bayan.

Batay sa impormasyon mula sa Mabini PNP, binaril ang biktima ilang metro ang layo mula sa kanyang bahay habang ito ay nagpapastol ng kanyang alagang kalabaw. 
Dalawang lalaki umano ang lumapit dito at binaril ang biktima gamit ang kalibre .30 carbine na baril.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit agad din itong binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa impormasyon, paghihiganti ang nakikitang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima dahil dati na umano itong naireklamo sa pulisya.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng mga otoridad sa pamilya ng biktima upang maresolba ang kaso, habang pinaghahanap na rin sa ngayon ang mga suspek sa pamamaril.