Ex-brgy kapitan na kandidato muli, pinatay sa Ilocos Norte; misis sugatan

Injured Killed
0 1

Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo

LAOAG CITY – Dead on arrival sa hospital ang dating barangay chairman ng Brgy Turod, Badoc, Ilocos Norte matapos barilin ng riding in tandem sa Brgy. Caraitan sa naturang bayan.
 
Sakay si dating barangay chairman Amor Taclay at kanyang asawa na si Madelyn nang barilin ng hindi nakilalang suspect sa isang barangay road sa Brgy. Caraitan.
 
Si Taclay ay tinamaan ng bala mula sa cal. .45 sa kanyang likod.
 
Sugatan din sa kanyang braso ang kanyang asawa na si Madelyn.
 
Nakarekober ng SOCO team ang walong kapsula sa pinangyarihan ng krimen.
 
Hanggang ngayon ay wala pa ring matukoy na motibo sa krimen ang mga otoridad.
 
Si Taclay ay may plano na tatakbong muli sa darating na barangay election.