Ex-brgy. kapitan, anak na brgy. kagawad huli dahil sa granada

Injured Killed
0 0

Date: 08 February 2013
Source: Bombo radyo Updated on Friday, 08 February 2013 08:32 Friday, 08 February 2013 08:07

TACLOBAN CITY – Arestado ang mag-ama na dating barangay chairman at isang barangay kagawad sa Calbayog City matapos na makuhaan ng granada sa kanilang pamamahay.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Tacloban, kinilala ang mga suspek na sina Antonio Casurao Bantad Sr, isang dating barangay kapitan at ang anak nitong si Antonio Ladag Bantad Jr, isang barangay kagawad, kapwa residente ng Brgy Danao, Tinambacan District, Calbayog City.

Nahuli ang mga suspek sa pamamagitan ng isinagawang raid ng Regional Special Operation Task Group (RSOTG-Samar) kung saan nakumpiska ang dalawang granada at apat na slugs ng baril mula sa kanilang pamamahay.

Naaresto ang mag-ama batay sa ipinalabas na search warrant ni Judge Alphinor C. Serrano, executive judge ng Regional Trial Court Branch 6, Tacloban City.

Samantala, sa ngayon naka-detine na ang mga suspek sa Calbayog City Police Station lock-up cell at inihahanda na rin ang kaukulang kaso na isasampa laban sa mga ito dahil sa paglabag sa Republic Act 9516.