Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 21 October 2013
Source: Bombo Radyo
AOAG CITY – Isang dating kasapi ng Philippine Army ang nahulihan ng mga kasapi ng PNP sa San Nicolas, Ilocos Norte ng isang M67 fragmentation grenade sa isinagawang checkpoint.
Nakilala ang suspek na si Rogelio Calug, 32, residente ng Brgy. 9, Paltit, Ba doc, Ilocos Norte.
Nadiskubre ang pag-iingat ng suspek ng isang granada matapos patigilin ang suspek na nakasakay sa isang itim na Euro motorcycle sa isinagawang checkpoint sa bahagi ng Brgy. 3 sa nasabing bayan upang tingnan kung may kaukulang dokumento o lisensiya ngunit wala namang naipakita.
Nang kapkapan ay dito nadiskubre na may granada sa harapang bulsa ng kanyang pantalon.
Wala ring naipakitang kaukulang papeles sa pag-iingat niya ng granada.
Sa ngayon nakapiit na sa detention cell ng PNP San Nicolas ang suspek habang inihahanda ang kasong illegal possession of explosives na isasampa laban sa kanya.
Ikinatwiran naman ni Calug na ang granada ay gagamitin lamang niya bilag depensa sa kanyang sarili.