Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 30 July 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
CAVITE, Philippines – Pinabulagta ang dating presidente ng Association of Barangay Council (ABC) na sinasabing kakandidato sa nalalapit na barangay poll matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay Anabu 2, Imus City, Cavite kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Reydante Sapinoso Sr., 58, may asawa at nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat ni P03 Alan Reyes, lumabas ng bahay ang biktima at tinungo ang pag-aaring kotse para kunin ang ilang dokumento nang lapitan at pagbabarilin ng tandem. Pinaniniwalaang may bahid-politika ang pamamaslang sa biktima dahil pagkandidato nito sa synchronized barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.