Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Hindi pa maditermina ng mga otoridad kung sino ang tumangay sa antigong typewriter sa mismong opisina ng city engineering office sa Legazpi. Sa reklamo na ipinaabot ng isang Aida Granadino, sinabi nito na kaninang umaga lamang nila napansin ang pagkawala ng nasabing pinaka-iingatan sa nasabing opisina. Sa imbestigasyon, lumalabas na dumaan ang mga magnanakaw sa bintana ng opisina. Sa kabila nito, dismayado naman ang mga opisyal ng city hall dahil sa nangyari kung saan, sa likuran lamang nito ang himpilan ng Legazpi City Community Police Assistance Center.