Empleyado ng LP, binaril patay sa Zamboanga del Sur

Injured Killed
0 1

Date: 28 April 2013
Source: Bombo Radyo

Patay ang isang empleyado ng Liberal Party (LP) sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur matapos barilin ng hindi pa nakikilalang armadong katao bandang alas-8:45 kaninang umaga sa may Purok Tinangkong Uno, Brgy. Balintawak.

Kinilala ng Pagadian City Police ang biktima na si Nelson Escario na siyang driver ni Tyrone Singco, ang dating chief of staff ni dating Governor Aurora Ceriles.

Nabatid na si Singco ang nanguna sa paghain ng plunder case laban sa mag-asawang Aurora at Antonio Cerilles at si Escario ang isa sa mga tumayong testigo.

Naniniwala naman ang liderato ng LP sa lugar na posibleng may kinalaman sa plunder charges at sa kasalukuyang affiliation ng biktima ang motibo sa pagpaslang sa biktima.