Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 05 June 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Hind na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang empleyado ng local government unit (LGU)-Masbate makaraang paulanan ng bala habang papauwi sa kanilang tahanan. Tama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktimang si Romar Afable Bayon, 32, residente ng Barangay Calabad at namamasukan sa LGU Dimasalang, Masbate. Sa ulat na ipinaabot sa Bombo Radyo Legazpi, napag-alaman na papauwi na ang biktima nang harangin ito ng humigit kumulang 15 mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA). Mabilis na tumakas ang rebeldeng grupo sa hindi malamang direksyon matapos ang insidente. Nakuha sa pinagyarihan ng krimen ang 16 na empty shell mula sa 5.56 na calibre ng baril. Sa ngayon, inaalam pa ng Dimasalang Municipal Police Station ang tunay na motibo sa nasabing krimen.