Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 04 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
BULACAN, Philippines – May posibilidad na selos ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 21-anyos na lalaki ng selosong mister kahapon ng madaling-araw sa hangganan ng Barangay Catmon at Barangay Bulacan, bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Kinilala ang napatay na si Ruel Mendoza, electrician, ng Brgy. Bulac habang naaresto naman ang suspek na si Jomar Carpio, 24, ng Brgy. Patubig sa bayan ng Marilao, Bulacan. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, lumilitaw na nakikipag-usap ang biktima kay Cynthia Zuñiga sa harapan ng restaurant nang mamataan ng suspek. Dahil sa pag-aakalang may relasyon ang biktima sa dating ka-live-in ng suspek ay isinagawa ang pamamaslang.