Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 19 April 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY- Iniimbestigahan pa ng mga otoridad sa Quezon Province ang nangyaring panghoholdap sa isang kainan kung saan nagpanggap ng
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SPO1 Victor Beso ng PNP sa bayan ng Calauag, sinabi nitong nangyari ang insidente sa Binay Eatery sa Barangay Sto. Domingo.
Nagkunwari umanong customers ang apat na hindi nakilalang lalaki at aktong bibili ng sigarilyo nang magdeklara ng holdap.
Nagpaputok ang mga suspek ng dalawang beses dahilan para matakot ang mga kumakain.
Kasamang nabiktima ang mga customers na sina Vincente Ortonero, Divina Devera, at Rhencil Vargas maging ang kaherya ng kainan.
Aabot sa halagang P6,000 ang natangay ng mga suspek kabilang pa ang dalawang cellphones.
Nabatid na 24 oras nakabukas ang kainan para sa mga bumibiyahe sa patungong Metro Manila.
Blangko pa ang mga otoridad sa pagkakakilanlan ng mga suspek.