Driver utas sa tandem

Injured Killed
0 1

Date: 11 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang jeepney driver ang nasawi makaraang pagbabarilin ng riding in tandem  habang iginagarahe ng una ang kanyang sasakyan sa isang terminal sa lungsod Quezon, kahapon ng hatinggabi.

Ayon sa ulat, ang biktima ay kinilalang si Rodel Ta­burada, 35, residente sa Veterans Village, Pasong Tamo, sa lungsod.

Agad itong nasawi  matapos na barilin sa ulo ng mga suspect sa parking lot ng Commonwealth Market sa Brgy. Commonwealth, ganap na alas-11:20 ng gabi.

Ayon sa mga testigo, dalawang hindi nakikilalang lalaki na may takip ang mga mukha ang sangkot sa pamamaril at sakay ng isang motorsiklo.

Narekober ng awtoridad sa crime scene ang isang fire cartridge at isang depormadong slug ng kalibre 45 baril.

Bago ang insidente, ayon sa isang kasamahan ng nasawi, ihahatid umano nila ng biktima ang kanilang pasahero sa Commonwealth Market nang maka-alitan nila sa trapik ang isang taxi.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Makaraan ang pakikipagtalo sa taxi driver, nagpasya ang biktima at kasama nito na dumiretso na sa nasabing palengke. Inaalam kung konektado sa naturang krimen ang naunang pangyayari habang patuloy ang pagsisi­yasat sa nasabing insidente.