Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 02 August 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Hindi pa rin malinaw ngayon sa mga otoridad ang motibo sa nangyaring pamamaril-patay sa isang driver sa Albay.
Ang biktima ay kinilalang si Rodel Bobier y Araneta, 35, ng San Jose, Libon, nasabing lalawigan.
Nangyari ang insidente bandang alas-8:55 kagabi kung saan, habang binabaybay ng biktima ang bahagi ng Bgy. Villa, Libon nang tambangan ito ng tatlong armadong kalalakihan at saka pinaulanan ng bala.
Tama sa braso at dibdib ang tinamo ng biktima na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa insidente.
Nananatili naman ang bangkay ni Bobier sa RHU Libon para sa otopsiya.