Die hard fan ni Donaire, sinaksak ang nangantyaw; biktima kritikal

Injured Killed
1 0

Date: 15 April 2013
Source: Bombo Radyo

CAGAYAN DE ORO CITY – Agaw buhay ngayon ang isang boxing fan na biktima ng pananaksak matapos ang pagkatalo ni dating Pinoy boxing champion Nonito Donaire Jr. sa mga kamay ni Cuban boxing champion Guillermo Rigondeaux sa Radio City Music Hall, New York City, Estados Unidos kahapon.

Kinilala ang biktima na si Ariel Abesamis, 18, binata at residente sa bayan ng Claveria, Misamis Oriental.

Nakasagutan umano ng biktima at ang isang suspek na nakilala lamang sa pangalang Marco habang sila ay nag-iinuman sa kanilang lugar dahil sa panalo ni Rigondeaux kay Donaire.

Sinasabing nagalit umano ang suspek matapos binanggit ni Abesamis na walang match si Donaire sa dating two-time Olympic gold medalist.

Ito umano ang dahilan kaya agad kinuha ng suspek ang isang tinidor na ginamit nila sa kinaing pulutan at sinaksak ang tiyan ng biktima.

Una rito, nagpapainom ang biktima bilang blowout dahil panalo rin siya kasunod ng pagwagi ni Rigondeaux sa pamamagitan ng unanimous decision.