Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Sa ika- 15 araw ng Zambanga standoff, panaka-nakang putukan pa rin ang naririnig ng mga residente habang nasa clearing operation at calibrated operation ang ginagawa ngayon ng tropa ng pamahalaan.
Kasunod nito, isa pang bangkay na kabilang sa mga armadong miyembro ng Misuari faction ng MNLF ang narekober ng tropa sa kanilang clearing operation sa may Barangay Sta. Catalina na kanila ng napasok.
Simula ng umaga kahapon, sumiklab muli ang palitan ng putok at bandang alas-3:00 ng hapon kahapon nang maglunsad ng air strike ang militar sa pinagkukutaan ng mga natitirang rebelde.
Nasa tatlong sundalo rin ang nasugatan sa labanan kahapon na ngayon ay ginagamot sa Camp Navarro Hospital sa Western Mindanao Command (WestMinCom).
Sinasabing nasa dalawang lugar na lamang umano ang pinagtataguan ng mga rebelde na siyang tinututukan ngayon ng tropa.
Kabilang dito ang ilang malalaking bahay sa may Marta Drive, Barangay Sta. Catalina at sa Lustre Drive, Barangay Sta. Barbara na una nang kinordon ng mga otoridad.
Nagiging mabagal umano sa clearing bunsod na rin ng ilan pang mga hostages. (MRDS)