Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 14 January 2013
Source: By dzmm.com.ph | 19:06 PM 01/14/2013
http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Region/Dating_tauhan_ni_Vic_Siman%2C_patay_sa_Batangas.html
Isa na namang umano’y tauhan ng nasawi sa Quezon shooting na si Vic Siman ang napatay matapos arestuhin sa bahay nito sa Batangas.
Kinilala ang nasawi na si Fernando ‘Pandoy’ Morales, 46-anyos.
Ayon sa maybahay ni Pandoy, alas-2:00 ng madaling araw kanina habang natutulog sila sa kanilang tahanan sa San Juan, Batangas ay dumating ang 20 armadong pulis at puwersahang dinala ang kanyang asawa.
Wala aniyang naipakitang warrant of arrest ang mga ito.
Kwento ng anak ni Pandoy na narinig na lang nila ang sunod-sunod na putok ng baril.
Ayon sa pulis, hinuli nila si Pandoy base sa joint operation ng Provincial Police Safety Command laban sa ilegal na baril.
Nanlaban umano si Pandoy kaya nabaril at napatay.
Pero giit ng pamilya, inosente ang kanilang ama.
Nagtataka ang anak ni Pandoy na si John-John kung bakit may katabing baril ang ama dahil wala naman itong baril.
Hinala ng mga kaanak ni Morales may kaugnayan sa Quezon shooting ang pagpatay kay Pandoy.
Inamin ng pamilya na tauhan ni Siman si Pandoy at minsan nang humawak ng operasyon ng jueteng sa Calamba, Laguna ngunit matagal na umano itong tumigil.
Umaapela naman ng tulong ang Pamilya Morales sa takot na balikan ng mga salarin. Report from Joan Panopio, ABS-CBN News-Batangas