Dating rebelde binaril-patay sa Catanduanes

Injured Killed
0 1

Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo

LEGAZPI CITY – Binaril hanggang sa mamatay ang isang dating rebelde habang critical naman ang kaniyang Live-in partner sa probinsya ng Catanduanes.

Sa impormasyon na ipinaabot sa Bombo Radyo Legazpi, pinaputukan ng mga hindi pa nakikilalang salarin si Jerome Bernal y Viola, 28, sa bahagi ng Barangay Siay, San Miguel Catanduanes, kaninang tanghali.

Dead on the spot si Bernal, matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan, habang critical naman ang kondisyon ng kanyang live-in partner na 8 buwang buntis.

Sinasabing dating miyembro ng mga rebeldeng grupo ang biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga pulis para tukuyin ang mga suspek sa insidente habang nasa ospital naman ang kanyang live-in partner.