Dating pulis-Maynila natagpuang patay sa QC

Injured Killed
0 1

Date: 07 February 2013
Source: by Robert TiczonFeb 7, 2013 3:20pm HKT remate.ph

Ang bangkay ng biktimang si Saturnino Manabat, 68-anyos, na umuupa sa Elizabeth Mansion sa N. Domingo St., Barangay Kaunlaran ay hinihinalang may apat na araw nang patay.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jaime Gimena ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) natuklasan ang bangkay ng biktima alas-dos ng hapon kahapon.

Ayon kay Marlo Carampatana, bago ang pagkakadikubre sa bangkay ni Manabat ay napansin niyang hindi nakukuha nito ang kanyang idineliber na mga diaryo na inilagay niya sa tapat ng pintuan nito.

Ipinaalam naman agad ito ni Carampatana sa administrative office at sa pamamagitan ng duplicate key ay nabuksan ang manasion unit at tumambad ang nakahandusay na biktima sa kama nito.

Ikinasa ang awtopsiya sa bangkay ng biktima para malaman kung may foul play sa krimen.