Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 30 April 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang mister makaraang pagtatagain sa mukha ng kanyang nakaalitan sa lalawigan ng Masbate.
Kinilala ang biktima na si Galvan Bueno, residente ng Barangay Cancahuraw, Balino, sa nasabing lalawigan.
Sa ulat na ipinaabot sa Bombo Radyo Legazpi, napag-alaman na habang naglalakad ang suspek na si Roberto Rapsing kasama ang kanyang mga kaibigan, nakasalubong nito ang biktima.
Sa pagtatagpo ng dalawa, sinamantala ni Bueno ang pagkakataon na makaganti kung saan, tinaga nito ang ulo at braso ni Rapsing.
Agad namang tumakas si Bueno subalit hindi nito akalain na nasundan pala siya ng suspek kung saan, sa lugar mismo ng kanilang kagawad, pinagtataga hanggang mapatay si Bueno.
Sa inisyal na imbestigasyon, matagal nang away sa pamilya ang ugat ng pangyayari.