Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo
DAVAO CITY – Patay mula sa tadtad ng saksak sa katawan ang 15-anyos na batang babae na pinagtataga ng kanyang kapitbahay.
Naganap ang krimen sa Jose Abad Santos, Davao del Sur, kung saan nakilala ang suspek na isang Jim Boy Ponan, 19, binata, magsasaka at residente sa nasabing lugar.
Napag-alaman mula sa Davao del Sur PNP na alas-6:40 ng umaga nang ang biktima na isang Rica Cañasares, residente ng Sitio Ligo, Barangay San Isidro, Jose Abad Santos, Davao del Sur ay nag-igib ng tubig ngunit inabangan ng kanilang kapitbahay hanggang sa pinagtataga.
Kaagad namang tumakas ang suspek, ngunit sa isinagawang follow-up operation ng mga police kaagad nahuli ang salarin.
Nakakulong na ito sa Jose Abad Santos, Davao del Sur at inihanda ang pagsampa ng kaso.
Inaalam pa ng mga alagad ng batas ang tunay na motibo sa krimen.