Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 17 February 2013
Source: Remate.ph by Rene Manahan Feb 17, 2013 2:33pm HKT
MASAKIT ang sinapit ng isang kolehiyala matapos lasingin ay hinalay pa ng nobyo kung saan dalawa pang kainuman ang nakitikim din habang kinutya ng iba pang kainuman sa Valenzuela City.
Nadakip naman sina Isaias Balmeo, 19 ng Malinta; Hovei Roxy Dela Cruz, 20 ng Malinta; Merlon Pangilinan, 21 ng Karuhatan at Gringo Sabile ng Maysan habang pinaghahanap sina Jethro Matanga ng Marulas at Jerome Racasa ng Karuhatan pawang ng lungsod.
Sa pahayag ng biktimang edad 17, dakong alas-5 ng hapon noong Pebrero 6, 2013 inaya siya ng nobyong si Dela Cruz na makipag-inuman sa bahay ni Matanga sa A. Fernando st., Marulas ng lungsod at sinabing may mga kasamang babae.
Pumayag naman ang biktima dahil sa tiwala sa nobyo subalit laking gulat pagdating sa bahay ni Matanga ay wala ang mga sinasabing babae.
Hindi na nakaatras ang biktima at makalipas ang ilang tagayan ay nalasing ang una na nagpaalam na magpapahinga.
Dinala ang biktima sa isang kuwarto kung saan hinalay ng nobyo subalit nang makaraos ay sumunod sina Sabile at Pangilinan habang nagtatawanan ang iba pang suspek.
Matapos ang mahabang oras sa paulit-ulit na panghahalay ay ihinahatid na sa sakayan ng jitney ang biktima hanggang sa makauwi.
Ilang linggong naging tulala ang biktima hanggang sa masabi sa isang kaibigan ang pangyayari na naging dahilan upang sabihin sa kanilang teacher.
Sinamahan sa mga pulis ang biktima na naging dahilan upang dakpin ang tatlo habang nakapuga ang dalawa pa.