Dalaga, patay sa pamamaril dahil iligal na droga

Injured Killed
0 1

Date: 11 March 2013
Source: Bombo Radyo

DAGUPAN CITY – Patay ang isang babae matapos na barilin ng hindi nakilalang suspek sa lungsod ng Dagupan.

Agad na namatay ang si Marlyn Pedeglorio, 25, residente sa lungsod nang tamaan ng bala sa kanyang noo mula sa kalibre .45 na baril dakong ala-7:30 kagabi sa Barangay Bonuan, Tondaligan.

Ayon sa mga residente malapit sa lugar, nakarinig sila ng putok ng baril at napansing bumulagta na lamang sa loob ng kanyang bahay ang biktima.

Hinala ng mga otoridad na residente rin sa lugar ang bumaril sa biktima dahil walang anumang bakas na mula sa tagalabas ang suspek.

Natagpuan naman malapit sa pinangyarihan ng krimen ang nagkalat na drug paraphernalia, indikasyon na gumamit pa ng droga ang biktima.

Bago ito sa lugar din nagsagawa ng operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dagupan PNP sa mga nakalipas na linggo sa bahay na pag-aari ng isang nagngangalang Asnor.

Tinututukan namang anggulo sa krimen na may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay sa biktima na umano’y isang estampador at posibleng panloloko sa transaksyon sa droga ang dahilan sa pagpaslang sa kanya.