Dalaga, ginawang sex slave ng sariling ama

Injured Killed
1 0

Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo

CEBU CITY- Patuloy ngayong pinaghahanap ng mga otoridad ang isang ama na diumano’y nanggahasa sa kanyang sariling anak na naging resulta sa pagkabuntis ng biktima sa Kalingking, Brgy. Saavedra, bayan ng Moalboal, Cebu.

 

Una nito, umiiyak na nagsumbong sa Moalboal Police Station ang 18-anyos na dalaga, matapos ginawang sex slave sa matagal ng panahon ng kanyang amang si Pedro Abrinica o mas nakilalang si Poypoy.

 

Ayon sa hindi pinapangalanang biktima, natakot siyang magsumbong noon sa mga pulis kaya nagpatuloy ang pananamantala ng ama hanggang magbunga ng batang lalaki na ngayon ay nasa isang taong gulang na.

 

Dahil dito, isasailalim ng Department of Social and Welfare Development (DSWD-7) sa counseling ang biktima matapos ma-trauma sa kanyang sinapit.

 

Sa ngayon, ang isang taong gulang namang bata ay nasa kustodiya na rin ng nasabing institusyon.