Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 02 March 2013
Source: http://www.abante.com.ph/issue/mar0213/luzon05.htm#.UTGdxjBvDFk
Isang 19-anyos na dalaga ang dinukot at ginahasa pa ng isa sa tatlong suspek na nadakip sa pagtugis ng mga awtoridad sa may Crossing sa Barangay Uno, Calamba City, Laguna kamakalawa, ayon kay provincial police director Sr. Supt. Pascual Muñoz kahapon.
Kinilala ni Muñoz ang biktimang kinilalang si Wentessa. Aniya, narekober ng mga pulis ang biktima sa loob ng van ng mga kidnapper dakong alas-12:30 ng tanghali.
Kinilala ang mga nahuling kidnapper na si Agakhan Sampo y Didato, residente ng Barangay 5, Calamba City; Aljabar Sarip y Sarip, ng Elepano Subd., Barangay 3, Calamba City; at Akela Lumangcolob y Mamot, ng Bgy. Antonio Rosario, Pasig City.
Ayon kay Muñoz, dinukot ng mga suspek ang biktima dakong ala-una ng hapon noong Miyerkules sa Purok 5, Barangay Palo Alto, Calamba City.
Kinaladkad ang biktima papasok sa isang naghihintay na Urvan (TOH 389).
“Ang sabi ng biktima ay ginahasa siya ni Lumangcolob sa DNE Subdivision sa Barangay 5, Calamba City dakong alas-12:30 ng hatinggabi noong Biyernes,” ani Muñoz. Isinasailalim na sa medico genital examination ang biktima.