Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 30 November 2013
Source: Bombo Radyo
DAGUPAN CITY – Dahil sa away mag-asawa ay sugatan ang isang mister matapos aksidenteng mabaril ang kaniyang sarili sa bayan ng Basista, Pangasinan.
Nakilala ang biktima na si Roberto Orpiano, 50, residente ng Brgy Poblacion sa nabanggit na bayan.
Ayon sa impormasyon ng kapulisan, paalis na ang biktima sa kanilang tahanan nang bigla itong pigilan ng misis na si Iluminada, 50, dahil sa away pamilya.
Akma ng bubunutin ng biktima ang kaniyang calibre .38 na baril na nakasugbit sa kaniyang beywang ng tadyakan ito ng kaniyang misis.
Sinubukan pa nitong agawin ang kaniyang baril.
Dahil dito ay nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawa na nauwi sa aksidenteng pagkakabaril ni Orpiano sa kaniyang sarili.
Agad namang naisugod sa pagamutan ang nabanggit na biktima.