CVO patay sa landmine blast sa Davao City

Injured Killed
0 1

Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo

DAVAO CITY – Patay ang isang katutubo na kasapi ng Civilian Volunter’s Organization (CVO) matapos masabogan ng landmine na itinanim ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA). 
 
Nakilala ang biktima na isang Ondid Ambuas, na natamaan sa kanyang likod nang sumabog ang landmine kaninang alas-9:00 ng umaga sa Sitio Butay, Tapak, Paquibato, Davao City. 
 
Pauwi na sa kanilang outpost ang biktima nang masabugan ng bomba. 
 
Kaagad na dinala ang bangkay ng biktima sa kanilang bahay sa Sitio Manggani, Tapak, Paquibato District. 
 
Kaagad naman itong inilibing ng kanilang mga mahal sa buhay.