Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 28 April 2013
Source: Bombo Radyo
TACLOBAN CITY – Nakatakdang sampahan ng kaso ang isang re-electionist councilor sa Tanuan, Leyte matapos na umano’y tutukan ng baril ang kaniyang kalaban sa politika na tumatakbong konsehal din sa naturang bayan.
Ayon kay Engr. Harold Gomez, tumatakbong konsehal, tinutukan umano siya ng baril ng kalaban na si Atty. Mario Villero matapos siyang pagbintangan na nagbutas sa gulong ng sasakyan nito.
Maliban umano sa panunutok ay nagpaputok din umano ng baril ang suspect sa headquarters ng UNA party na partido naman nang nagrereklamo.
Dagdag pa ni Gomez, posible niyang sampahan ng kasong grave threat at alarm and scandal ang suspect.